“Alam mo, may sikreto ako,” bigla kong nasabi sa iyo habang pinipilit nating labanan ang antok.
“Ano yun?” Bahagya mong iminulat ang iyong mga mata.
Mula sa pagkakahiga, dumapa ako upang makaharap ka.
“Bata pa lang ako, meron na kong weird urge na pumasok sa bahay ng hindi ko kakilala, as in mag-trespass. Itataon kong wala yung may-ari ng bahay. Tapos papasukin ko lahat ng kwarto, pati kusina at banyo. Syempre hindi naman ako magnanakaw. Gusto ko lang maramdaman na ako ang nagmamay-ari ng bahay, sa maikling panahong nandun ako.”
Nakangiti kong hinintay ang reaksyon mo. Ikaw ang unang taong sinabihan ko nito.
Yakap at halik.
***
Hindi ba’t kinakatawan ng bahay ang taong nagmamay-ari nito? Marahil, sa kasuluksulukan ng aking isipan, ninanais ko ring mabuhay bilang ibang tao kahit sa maikling panahon lamang. Ano sa tingin mo?